Zagu
Nagtext sa kin si tukog nung isang linggo… "bro dadating si LJ sa sabado…"
Ah si LJ…
Si Lovejoy, kapatid ni tukog. Di ko maalala kung ano tawag namin sa kanya. Isa din sya sa pasimuno ng munting prat namin noon. Naalala ko, sya pala yung nagsketch ng coat of arms ng prat. Medjo magaling din kasi gumuhit si LJ.
Rakista. Naalala ko paborito nyang kanta ang sweet child of mine ng guns and roses. Isa din sya sa nagturo sa amin ng iba't ibang kamunduhan at kalokohan. Magrolyo ng RP, mag hithit ng RP, mamboso, at magkunwari.
Naalala ko, minsan lasing na lasing yung bagong dating na sis namin galing marawi. Lahat kami nasa hostel ni tukog. Syempre, kapatiran. Pinunasan at binihisan namin si sis. Sabi nya, "Bro, asikasuhin at alagaan natin sya para wala silang masabi sa tin…" Sinabi nya yun ng walang dudang kaplastikan… sinagot ko din sya nang walang dudang kaplastikan… Kinabukasan, di nya napigilang sabihin sa kin ang kamunduhang nasa isip nya. Buti na lang daw andun ako… yun din naisip ko… buti na lang andun sya…
Nagkitakita kami ni tukog at LJ kahapon. Inaasikaso kasi ni LJ ang papeles nya pa saudi. Drayber ng bus sa kompanyang pinapasukan ni Camel. Ayun, kwentuhan. Pilit na binalikbalikan ang kahapon. Kantyawan. Tawanan. Nakwento nya ang hirap sa mindanao at ang hirap ng isang ama na mawalay sa anak, at ang pagiging asawa na mawalay sa asawa…
Gaya ng dati, namasyal kami na walang ekstrang pera. Walang pakialam basta magkakasama lang kaming tatlo. E ano bang magagawa namin e gusto ni tukog maglakad.
Dapat daw magpaunlak ako at sa tagal na namin na hindi nagkita. Nadale ako. Isang daan lang ekstra ko pero hayaan na. Bumili na lang ako ng Zagu para sa aming tatlo. Regular lang, walang halong sago. Nabunot ko pa ang dalawang pisong natitirang coins ko. Nasa isip ko, wantutrihin ko na lang yung jip na sasakyan ko papuntang Buendia.
Pero ang mga zagung yun ang nagpahaba lalo ng kwentuhan. Nagpapaikot sa amin sa loob ng mall na di halatang walang pera. Nagpaboko kay tukog sa kanyang corruption sexperience… at sa mga kwento ng samahan na di ko nasaksihan…
Masaya kahit papano. Masaya kahit walang pera. Masaya kahit Zagu lang…
No comments:
Post a Comment