Tuesday, November 07, 2006

When I grow up, I want to be a...

"Class, I want you to write a formal theme with the subject 'What I want to be when I grow up'..." Si Mrs. Chavez, grade 3 adviser namin.

Naalala ko lang nung una kaming pinagawa ng formal theme sa grade school. Si Shaira kasi, pinsan ni ella, nagpatulong sa kin gumawa ng isang story summary tungkol kay Ramon at Jose. yun nga lang, parang kwentong bisaya naman daw yung summary na ginawa namin sabi ni ella. Eh ano ba naman expectation nya e bisaya ako!!!

Naalala ko nun, tuwing mga ganitong gawain sa eskwela, ang nanay ko ang aking karamay... maraming beses sya ang gumagawa at maraming bese din akong may 'very good' na marka at may pirma ng maga adviser namin. Naman! Nanay ko ang gumawa e... hahahaha!!!

Di ko din masyado maakukuha kung bakit 'My ambition' ang pinaka common na subject pag formal theme writing. Mula nung grade 3 hanggang nung sa grade 6 ako e yun at yun ang pinagtrtripan na subject ng maga guro namin. Bakit nga ba? Di ko natanong kay Ms. Zamayla (grade 6 adviser namin) kung bakit. Siguro di pa ako maruning magtanong nun...

So ito yung mga naging ambisyon ko nun mula nung natuto ako sumulat ng formal theme:

Grade3 - "My ambition in life.... My ambition is to become a teacher someday..." Oo, gustong gusto kong maging maestro nun. Gusto ko lang siguro maging katulad ni mama na magaling magturo. Frustrated, tinuruan na ako ni mama matutong magbasa at sumulat nung apat na taon pa ata ako nun... Kung sablay, lagapak abutin ko.

Grade4- "I want to be a Doctor someday... I want to help the sick..." Pucha, sabi kasi ni papa na gusto nya akong maging doktor kaya inisip ko na yun bago magpasukan sa grade4. Pero nung sumabi baba ko sa barbed wire, ayoko na... Hindi ata humanga sa akin si Mrs. Pongo nun kasi 85 lang nakuha kong marka.

Grade5- "I want to be an Engineer someday... I want to build buildings and bridges..." Gaya ni Mrs. Pongo, hindi din ata humanga sa akin si Mrs. Nunag nun at 86 lang marka ko.

Grade6- Eto yung pinaka memorable ko sa lahat ng formal themes. Pucha, 90 nakuha kong marka nun. "My ambition in life is to become a ood father, a good husband, and a better person..." Siguro nung time na yun e nagsawa na akong mag-sip ng kung anu-anong ambisyon at maliit lang naman pala nakukuha kong marka... Big time ako nun, pinabasa pa ako ni Mrs. Zamayla sa harap ng mga kaklase ko at yun daw ang pinakamagandang formal theme na nabasa nya. Mula din nun, naging magkaibigan kami ni Mrs. Zamayla hanggang nung nasa trade school na ako. Hanep! Sa totoo lang naman kasi, naging inspirasyon ko nun si papa na walang trabaho at si mama na nagkakayud para lang kami mabuhay...

Wala na ata ako ambisyon nung unang dalawang tatlong taon sa high school nun o baka hindi lang napag-usapan sa formal theme ang 'I want to be someday' na tema nun. Pero ang pinaka ultimate ko na ambisyon at yun talaga nakatatak sa utak ko sa loob ng apat na taon ay ang pagpapari. Syet! Gustong gusto ko talaga maging pari nun. Pumasa pa ako sa isang semenaryo sa may Cainta nun, Barnabites ata ang seminaryong yun... pero di na ako tumuloy. Nahihiya ako sa mga magulang ko at umaasa sila sa kin na kahit papano ay makatulong naman sa kanila kahit pa nag-aaral ako... Ayun, di ako naging pari. Buti na lang!!! Pucha!

Pero kahit hindi ako naging doktor, o titser, o engineer, o pari... kahit papano naging asawa at naging ama naman ako. At kahit papano, isa sa mga naisusulat ko sa mga formal themes na yun ay nagkatotoo naman... Di ko pa nga lang sigurado kung talaga bang mabuting asawa ako kay Ella o mabuting ama sa mga anak ko, but I'm trying to be one.

2 comments:

Anonymous said...

mas madalas kasi nakakalimuta natin yung mga simpleng bagay ... hindi natin alam yung mga simpleng iyon ang pinakadakila ... like yung gusto mong maging good husband and a father diba ..... bihira lang ang makakapagsabing gusto nyang maging ganun ... or gusto nyang maging ganun pero mas nadodominate ang utak nila ng propesyon na akala nila makakatulong sa kanilang pag-unlad bilang indibidwal :)

Jay Lagat said...

ate melai, salamat po ulit sa pagdalaw. Buti na lang di ko naging ambisyon ang pagiging pulitiko!!! lol!!!