Isang masungit. Isang mapagmahal...
"Hello?" Pupungas-pungas pa akong sumagot sa telepono ko mga hating gabi na yun nung sang buwan... Pabalik ako nun sa Pinas kinabukasan at kailangan ko gumising ng alas tres ng madaling araw at may dalawang oras pa ang byahe papuntang airport.
"Hon, san ka? Bat tagal mo sumagot, aber?" Tanong sa kabilang linya...
"Huh?" Ang himbing na ng tulog ko tapos ginising pa ako.."Dito sa kwarto ko natutulog... ano ba naman yan, hon... kailangan ko magising ng maaga..."
Tiningnan ko relo ko at 12:24 na ng hating gabi. Dalawang oras na pala akong nakatulog...
"Weh, asan tv mo? Buksan mo kung anjan ka talaga." Sabi sa kabilang linya na may tamang duda... Nananaginip ba sya na may kasama akong napakagandang chick at kailangan nyang magising ng hating gabi at tawagan ako? May nakain ba yang kakaiba bago matulog at ako ang pinagdediskitahan nung magising sya sumakit ang tyan nya? May nagmumulto ba sa bahay?
Tumayo ako sa pagkahiga ko, dumeretso sa sala at binuksan ang tv...
"Ayan, masaya ka na?" Balik ko sa kanya...
"Weh, baka sa ibang kwarto yan... Ano yang naririning kong babae sa background?" Nang-iinis...
"Kulit mo! Reporter ng CNN yang naririning mo!" Pucha, wala na akong paglalagyan neto... "Bahala ka nga!"
"Hon, sige na... ingat ka bukas ha. ab yu!" Ayun! tapos sabay baba ang telepono nya.
"Hello! Hello!" Wala na ako narinig pa...
Si Ella, misis ko. Buwan buwan ko nararanasan yan. Kung hindi nya gagawin yan, ako mismo tatawag sa kanya bago ako matulog at iparinig sa kanya ang tv ko... at iparamdam sa kanya na naninibago ako... hehehe!
Oo, Nakakabwisit. Inaamin ko din na pikon talaga ako. Alam mo yung mukhang naghahamon palagi ng away na wala namang kadahidahilan... Pag pinatulan ko, tapos na araw ko. Kung hindi ko naman papatulan, tapos na rin araw ko. Wala talaga akong choice kundi patulan ang pang-iinis nya. Sa huli, kahit papaano may napaguusapan din naman kami.
Ganyan lang naman si Ella. Unti unti ko na syang naintindahan. Sa isang banda, naiisip ko nag-aadjust pa lang kami bilang mag-asawa. Tatlong taon pa lang din naman kaming magkasama... Talagang ganyan...
Pero hindi mapapantayan ng pangungulit nya ang pagiging ina nya sa mga anak namin. Hindi din mapapantayan ng pangungulit nya ang saya ko tuwing makikita ko siyang masaya. Hindi mapapantayan ng kakakulitan nya ang tuwa ni Josh tuwing dadating sya sa bahay galing sa trabaho at kung pano ipinapakita ni Josh ang pagmamahal nya sa nanay nya gabi-gabi. Hindi mahihigitan ng mga pangaasar nya sa kin ang pagmamahal na ibinibigay nya sa akin, sa amin.
Happy birthday, hon. Salamat sa pagmamahal... Salamat sa suporta...
Ab yu...
5 comments:
ang sweet naman! ganyan ka talaga kamahal ni mrs mo. ginigising ka ng wala sa oras *hehehe* sobrang miss ka sigurado :)
btw, ikaw ba yun nagleave ng msg sa blogboard ko? wala kasing iniwan na url kaya di ko alam kung sino. kung ikaw yun, salamat sa pagdalaw. add kita sa list ko ha.
ingatz
happy birthday kay ella kamo sabi ko lol!
jaleesa, thanks ha. ako nga yun. sorry di ko nalagay url ko. i'll link you here now!
Ate melai, salamat!
your welcome :)
teka nisabi mo na ba :)
ate melai, opo. nasabi ko na po. nabasa na nga po nya comment mo e... thanks ulit. ganda ng site mo a....
Post a Comment