Ayan na, Lambino!
Kadarating ko lang nung lunes. Wala masyado ako balita dito. Di na din ako nagtangkang magtanong kay ella kung ano na balita sa pinas. Di na din ako nagtangka manood ng balita at miss na miss ko mga anak ko.
Dalawang araw din na di ko pinansin PC ko...
Nabalitaan ko lang kanina na nagdesisyon na pala ang korte suprema kahapon tungkol sa 'peoples' initiative' kuno na inihain ng Lambino. Sa wakas, kahit papano nagsalita na rin ang korte. Sana matapos na rin ang kahibangang ito.
At kung pinapanindigan talaga nya na walang halong panloloko yung 'peoples' initiative' na sinasabi nya, ewan ko na lang. Pero nagsalita na ang korte suprema...
“An initiative that gathers signatures from the people without first showing to the people the full text of the proposed amendments is most likely a deception, and can operate as a gigantic fraud on the people.”
O ayan na, Lambino. Mukhang nanloko daw kayo.
Hindi nga ba?
2 comments:
nakakatuwa nga yang balitang yan :) .... may naipost ako sa multiply blog ko tungkol diyan :) ...manilenya.multiply.com :)
Ate melai, nakakatuwa nga tong balitang ito! i'll visit your multiply blog today...
Post a Comment