Condo sa ilalim ng tulay
Napanood ko kagabi ang isang doumentary ng I-Witness tungkol sa condo living sa may tulay sa pagitan ng Makati at Pasay. Naipakita ni Jay Taruk ang sitwasyon ng mga naninirahan sa ilalim ng tulay sa kamaynilaan.
Nung mga nakaraang linggo, ipinalabas ng gobyerno ang isang report kung saan ang 'per capita income' daw ng isang pilipino ay nasa pinakataas na antas sa ilalim ng pamahalaang Arroyo. US$1400.00 daw ito, mas mataas kumpara sa mga nagdaang administrasyon. Sa madaling salita, ito daw ay ang kinikita ng isang pinoy sa loob ng isang taon. Kung nakakabuti man ito sa isang bansa, siguro ay dapat tayong matuwa. Pero....
Nang mga linggo ding iyon, ipinahayag ni Arroyo na ang Pilipinas daw ay wala na sa listahan ng mga 3rd world na bansa kundi naiangat na daw ito sa bilang ng mga 'second world' na bansa. Hmmm...
Nakakatuwa. Nakakaaliw. Nakakahibang.
Ang doyumentaryong napanood ko kagabi ay nagsasabi ng taliwas sa mga sinasabi ng gobyerno. Sabi nila umaangat ang buhay ng mga pilipino. Ang sabi ng mga tao sa ilalim ng tulay, parami nang parami sila sa condo... kasama na dun ang pagdami ng mga ipis, daga, lamok, sakit, at kung anu-ano pang mga kahayupan na nararanasan nila sa ilalim ng tulay. Ito'y isang katotohanan na pilit na ititinatago ng pamahalaan sa buong mundo. Hindi man natin pansin, naglalagay ng mga malalaking pader ang pamahalaan sa mga tulay sa kamaynilaan para lang di makita ng publiko ang katotohanan sa likod ng pader na to. Para na rin nilang sinasabing hindi na nila kayang puksain ang kahirapan sa bansa at takpan na lang ng maayos na pader.
Sa totoo lang, napaluha ako sa napanood ko kagabi. Dati, gusto kong malaman kung ano meron sa ilalim ng tulay sa kamaynilaan. Nakita ko yun kagabi. Nakakatakot. Ang lupit. Kahit anong pilit na tuwa ang mga ipinapakita ng mga tao dun, di nila maitatago ang hirap na ni minsan ay di nila pinangarap. Masikip. Mainit. Maingay. Madumi.
Si mang Marvin, hindi mo akalain na binubuhay nya ang kanyang pamilya sa pagsusuyod sa kanal (ilog) araw-araw. Ano ng ba naman ang magagawa nya kundi buhayin ang pamilya nya... kahit alam nyang malabo ang kinabukasan na haharapin ng mga anak nya. Isang kahig, maraming beses wala silang matuka... Hindi ko man maisip kung bakit sila nagkakaganyan o kung bakit napunta sila sa ganyang sitwasyon. Di ko dn masagot kung ano nga ba ang dahilan kung bakit sila napunta sa sitwasyon na yan.
Pero ang pagkakaalam ko, may karapatan silang mabuhay na maayos at marangal at sa tingin ko malaki ang dapat na pakialam ng gobyerno sa mga kababayan ko kahit na, kahit na hindi natin maisisi lahat sa pamahalaan ang paghihirap nila. Pero, hindi ko rin maialis sa isipan ko kung pano sila nagkakaundagaga sa paghahanap ng makakain sa bawat araw... sa nakikita ko, hindi sila tamad tulad nang pananaw ko sa kanila noon. Wala lang silang pagkakataon nang katulad sa atin...
Ano nga ba ang kahulugan sa atin sa 'per capita' income na sinasabi ng pamahalaan? Ano nga ba ang kahulugan sa atin sa pag-angat ng ating bansa (kuno) sa 'second world' na sinasabi ni Arroyo? Ano nga ba ang kahulugan sa atin ang pag-angat ng piso laban sa dolyar? May nararamdaman ba ako? May nararamdaman ba silang nakatira sa ilalim ng tulay? Sana may magagawa ako, bayan...
Ang dokyumentaryong napanood ko kagabi ay lalong nagpamulat sa aking maga mata sa katotohanan... ang katotohanan na nagpapakita ng kasinungalingan ng pamahalaan.
Bayan, ano pa ang mangyayari sa yo? Ano pa?
11 comments:
Mahirap intindihin kung saan kinukuha ni GMA ang datos n'ya, sa kabila ng nandudumilat na katotohanan, kasinungalingan pa rin ang sinasabi n'ya.
Nice blog sir,
masterbetong.. oo nga, dami kalokohan ni GMA. thanks for dropping by...
pagkatapos sinabi ni GMA na nasa 2nd world na ang pinas ... di mo napansin biglang nagngalit ang nasa taaas at bumagyo pinadala si milenyo ... pinagigigising si gloria sa kahunghangan niya tsk tsk tsk tsk
Ang pansin ko lang, bakit laging si GMA ang may kasalanan? bakit sa kanya lagi isinisisi kung ano man kahirapan ang dinaranas nang bayan? Ilang presidente na ang nag-daan sa buhay ko, pero kailan man di ko sinisi sila sa mga paghihirap na dinanas ko. Instead, nag-sumikap ako. Sana ganun din silang nakatira sa ilalim nang tulay. Kontrol natin ang ating buhay.
Dear ate melai... hahaha!!! kulit ni melenyo. kung ano man ang ibig sabihin ng 2nd world, dapat may nararamdaman na tayo... o di kaya'y magpakatotoo na lang at subukan lutasin ang problema...
Dear Anonymous, tama po kayo pero hindi po sinisisi si GMA dito. Ito'y isang pagsasalarawan sa isang katotohonana na pilit tinatago ng gobyerno. Sana lang po ay magpakatotoo na lang po sila at kung sino man magiging presidente sa susunod, at hwag na masyado magpabango at magtrabaho na lang po. Salamat sa pagdalaw...
sikat ka na jay dinadalaw na ni anonymous ang blog mo lol!!
what you don't realize jay is that GMA does hide it, not from you but from "outsiders" so as not to discourage them from investing or at least visiting the Phil. It's all part of "public relations" so to speak, to the outside world. almost all govt of the world does that for their own image protection...it's a standard protocol!
may punto si ano ... kaya kahit na lunod na sa kahirapan ang bansang pinas kunwari developing country pa rin tayo sa ibang bansa .... para pumasok ang mga foreign investor o kaya ibenta pa yung mga natitirang pag-aari ng pamahalaan para pagdating ng panahon kahit konti wala ng pag-aari ang mga pinoy diba?
Dear Ate Melai...bentahan ba? lol!
Dear Anonymous... you are correct and thank you for making me realize that it's part of public relations, encourage investors' stuff and a standard protocol... however, would it be nicer if they clean up rather than covering it up? Matagal na masyao anti-poverty drive sa pinas pero lalong lumalala. on 'standard protocol'... masasabi na ba natin na kung ang paghihilamos lang ay isang 'standard' ng kalinisan ng mga kapitbahay, ay tamang paraan na yun ng kalinisan? opinion lang po.
You want us to I want you to sit your asses down and wait. She led the way hoping the kids would be so engrossed they wouldntnotice, but they noticed when John put his hand on her ass and kept itthere, squeezing like he owned it and lifting the back of her skirt past theskewed panties before they passed from view.
black masturbation stories
free gay trucker stories
xnxx stories timestop-day 3
xxx taboo true stories
ebony bondage stories
You want us to I want you to sit your asses down and wait. She led the way hoping the kids would be so engrossed they wouldntnotice, but they noticed when John put his hand on her ass and kept itthere, squeezing like he owned it and lifting the back of her skirt past theskewed panties before they passed from view.
Post a Comment