Friday, March 03, 2006

Unlimitxt

Nakatanggap ako ng text message galing sa asawa ko nung sang linggo. Na excite naman ako sa nabasa ko. Naisip ko na i-forward ito sa sang kaibigan na walang trabaho at kahit papano makakatulong ako sa kanya. Gusto ko lang naman tumanaw ng utang na loob sa kanya. Natulungan kasi ako nun nung college ako at sya ang naging sandalan ko kung walang wala na talaga ako. Eto ang natanggap kong text:

'Bka nman may kilala kang may gusto. hiring kc s Enchanted Kingdom hanggan katapusan. malaki salary, 30k a m0nth.'

Syempre, sino ba naman ang di magkakainteres. Gusto ko nga din, sa palagay ko. Pero naisip ko na many trabaho naman ako at di naman ako naghahanap ng isa pa.

Ayun, pinasa ko sa kaibigan ko. Maya maya sinagot nya ako ng 'Tado!'. Nagulat ako sa natanggap ko. Seryoso naman ako sa tnext ko. Gusto ko lang naman sya tulungan makahanap ng trabaho.

Kung tutuosin, mahilig kami magkulitan ni Tukog sa text sa panhihinayang sa unlimitxt ng globe. Araw-araw maghapon kami kung magkulitan sa text. Karamihan na natatanggap ko sa kanya mga walang kwentang kumustahan oras-oras, mga sagot na 'tado!', 'leche!', 'pak u ka!' at kung ano ano pa.

Pero seryoso ako sa gabing yun. Di naman ako nagbibiro. Di naman mahilig makipagbiruan ang asawa ko sa text. Di ko maisip kung bakit ganun ang reaksyon ng payatot na yun. Hindi naman sya nakapagtrabho ni minsan mula nang ipinanganak si Adan. Kapal ng mukha!
Sinagot ko sya. 'hoy! pak u ka!'

Nagtxt sya nung maghahating gabi nya. Sabi nya interesado daw si Pedro (kaibigan namin sa mindanao na jobless din) sa trabaho sa enchanted kingdom at nagtatanong kung ano ang requirements. Lalo ako nabanas! Eto nga, gusto ko nga sya magkaron ng trabaho tapos pinasa pa nya sa iba. Naisip ko na wala talagang plano tong taong to na magtrabaho at ala nang ginawa maghapon kundi magpalaki ng bayag. Pero choice nya yun. La na ako magawa sa aspetong iyon.

Tinanong ko asawa ko kung ano requirements sa Enchanted Kingdom. Natawa ang gaga! Di ko alam kung bakit. Ano ba daw ang nagyari sa kin at pumatol ako sa text? Huh?

'Basahin mo nga hanggang sa dulo! Eng ong!'

Nakailang pindot na ako ng scroll down puro bakante, hanggang sa nabasa ko ang mga katagang ito...

'Tiga-2lak ng Anch0rs Away!'

Namangha ako habang humahagikhik sa tawa ang misis ko. Di ko na sinagot si Tukog. Pak yu sya!

1 comment:

Anonymous said...

hahaha!...me talent ka talaga sa paghahayag. sana me makabasa ng pagkakitaan mo naman 'tong talento mo, sayang naman... :)

attn: anyone in need of writers...
jay is highly recommended.

hehehe...

cheers