Prat
Wala lang. Naalala ko lang ang dalawang pinakamalapit kong kaibigan sa probinsya.
Si Bobot...
Huli ko sya nakita nung 1998 sa Cagayan de Oro, nagbakasyon ako nun. Hinahangaan namin ang katalinuhan ni ilong. Di man sya lider, sya ang naging susi sa aming pagkakabuo. Siya ang nag-iisip ng kung anu-ano lang, sumaya lang kami lahat.
Trigonometry class namin nun. Uso ang patayan sa prat sa maynila at cebu. Uso din ang alpha, sigma at theta kapag trigonometry. Naki-uso din kami. Bumuo kami ng pangalan ng prat namin kuno, hango din sa trigo ang pangalan. La lang, katuwaan lang. Si bobot nun, nakikihalubilo lang. Di naman namin sya kaibigan talaga pero cool.
Di nagtagal, lumipat sya ng skul kasi gusto nya maging pulitiko ata. Wala kasing ganung kurs sa skul namin. Matagal din syang si nagpapakita sa amin. Akala nga namin patay na ang loko o naging bihag na sya ng abu sayaff.
Bigla na lang sya bumalik. Hinihingal. Kala namin nanalo sya sa eleksyon sa skul nya. Di naman pala. May dala-dala syang papel. Konsti daw yun ng prat na nabuo nya dun at kung di namin buohin sa skul namin, lagot sya! Hah? Di namin sya binigo at nagpaluan din kami dun sa taas ng restorant ng ka-prat namin. Pagkatapos, kumain kami ng lomi at eksayted sa mga pangyayari. Isang malaking kasaysayan na lang ang sumunod.
Yan si Bobot at kung ano ang pangalan ng prat namin, sa amin na lang yun. Pagkakaalam ko, malaki na ang grupong yun sa probinsya. Mahirap na.
Si Bobot. Matalino. Pulitiko (na hindi naging). Babaero.
Si Jan...
Tukog (stick sa wikang banyaga) ang tawag namin sa kanya. Di naman sya masyado adik, mukha lang dahil sa kapayatan. Sya din ang nagturo sa amin humithit ng kung anu-ano... sugarilyo, rp, at bibiliya. Sya ang tipong walang paki-alam kung ano ang mangyari bukas,basta masaya lang ngayon. Sya ang naging lider namin sa loob ng dalawang taon. Matalino din ang loko. Mahilig din mag-isip ng kung anu-ano basta kalokohan. Cool din sya.
Nung pagkabuo ng prat namin, ginawa namin hostel ang apartment ni tukog. Masaya. Dami beer at marlboro lalo pag unang linggo ng bwan. Gin at more na pag la na pera. May mga babae din.
Naalala ko, may dala dalang babae si bobot galing sa skul nya. Masaya kami kase mga ka-sis nga namin. Inalagaan namin sila. Pinalo din namin sila gaya ng ibang prat jan. Pagka-iba lang, walang patayan sa amin. Gusto lang namin sumaya kahit saglit lang. Pero di din namin maiwasan. Tao lang kami gaya ng lahat.
Yun ang simula kung bakit Hostel ang tawag namin sa apartment ni tukog. Masaya. Malungkot kung alang pera.
Kahibangan. Kalokohan kung sasabihin natin. Pero may malaking natutunan din kami sa munting prat namin. Masaya pala. Ramdam na ramdam ang kapatiran. Sabi nga ng isang kaprat ko, 'bro, ok man diay ang prat. lami kaayo pamati-un ang pagkasuod natong tanan...' Totoo yun, kahit sa ibang prat. Ang sarap ng pakiramdam ng may samahan kang sasandalan sa hirap o ginhawa.
Ang pagkakaalam ko, lumalaki na ang prat namin. Madami nang myembro. Madami na din ang skul. Pero nagsimula lang ang lahat sa Trigonometry class namin. Sa pagiging pulitiko ni Bobot. Sa hostel ni Tukog. At sa barkadahang walang katulad.
No comments:
Post a Comment