Ang pang-aapi ni Jose at ang ganti ni Juan
Si Jose, habang tinatakot si Juan… “Kita mo tong tattoo ko sa kanang braso? Tigre to!” Napailing si Juan habang di nya pinapansin si Jose.
Makaraan ang isang buwan, nagkaharap na naman si Jose at si Juan.. “Kita mo tong tattoo ko sa kaliwang braso? Agila to!” patuloy na pananakot ni Jose. Medjo naiinis na si Juan pero tuloy pa rin na pinagbibiyan nya si Jose…
Makaraan ang isang linggo, eto na naman si Jose… “Kita mo tong tattoo ko sa dibdib? Anaconda ‘to!” Ako ang astig ditto, walang kung sino mang pwedeng maghari ditto kundi ako!” Tuloy ang patutsada ni Jose.
Nainis si Juan at tinawag ngayon ang mga kabaranggay para labanan si Jose. Dala-dalahan ang mga itak, kris, kutsilyo, tinidor, rake, palako, batuta, ice pick, at kung anu-anong armas at kinumpronta si Jose….
“Ano kamo pinagsasabi mo?” Galit na tinanong ni Juan si Jose. “Tarantado ka a! porket pinagbibgyan ka lang namin sa mga kalokohan mo at umaabuso ka na!” Kasabay ang isang palo sa ulo gamit ang martilyong gawa sa corrugated steel.
Binugbog ng taong bayan si Jose at magdesisyong ilibing na lamang na buhay para hindi na makapagtangkang maging siga ulit…
“Joke lang po yun…” umiiyak si Jose. Nagmamakaawa….
“Hindi na mauulit…” patuloy na pagsusumamo ni Jose…
“Talagang hindi na yan mauulit kahit na magmamakaawa ka pa!” sabay sagot ng ka-alyansa ni Juan.
“Hindi ka nababagay sa lipunang ito!” sagot naman nung isa pang ka-alyansa ni Juan.
“Humanda ka na! Magkikita na kayo ni satanas!!!” sigaw ni Juan habang ang taong bayan ay naghukay ng libingan ni Jose… “Isama mo pa mga alalay mong mga hayop!”
“Ito bang mga ‘to?” Sabay turo sa mga tattoo nya. “Nagmamakaawa ako, pakiusap…”
“Itong sa kanan ko, hindi to tigre…” paliwanag ni Jose… “Kuting lang po ‘to…”
“Itong sa kaliwang braso ko, hindi naman talaga agila to… ipis lang po talaga to.” Umiiyak ng malaks si Jose na nakaluhod at nagsusumamo sa mga tao…
“Itong sa dibdib ko, hindi naman talaga to anaconda… uod lang po to…” Sabay halik sa mga paa ni Juan at nagmamakaawa sa buhay nya… “Joke lang po talaga yun e…”
“Hindi pwede!” tugon no Juan. “Wala kang kwentang tao! Ito na ang katapusan mo!”
Sabay itinulak nag mga tao si jose sa butas at inilibing nang buhay…
Naalala ko ang kwentong ito habang pinapanood ko si JDV sa TV nung Lunes. Napapailing na lang ako at natatawa ako sa kanila.
Hindi nyo kami maloloko! Hindi nyo rin kami makukuha sa mga pagsusumamo nyo, JDV!
3 comments:
It's been a great year for bloggers. May you prosper in the new year!
Wishing you a Merry Christmas and a Happy New Year!
--Nostalgia Manila
Hello Jay,
Nostalgia Manila will be doing a new weekly segment in 2007 called Nostalgia Bloggista, which will be featuring our very own Pinoy Bloggers answering these 5 simple questions:
1. Where did you grow up, and what made that place special?
2. What was your favorite tv show, cartoon, or children's show growing up? What did you like about these shows that made them your favorite?
3. Favorite music group or artist? Most memorable song?
4. Share with our readers one of your fondest memories of growing up.
5. What do you miss from back then that's not available today?
If you'd like to be featured, please email back these answers, along with the URL of your blog, and a photo of you when you were young, preferably a photo of when you were a kid, or teenager. The younger the better! ;) Since it's the holiday season, there's a lot of time to look for cool old photos. Nostalgia Manila will be resuming regular posting schedule after new years.
We will feature you, along with a link to your blog, inviting our readers to check out your blog. We hope that you participate in this new fun feature!
Happy Holidays!
--Nostalgia Manila
Send your email to: nostalgiamanilamail[at]yahoo[dot]com. Maraming salamt!
Post a Comment