Sunday, December 24, 2006
Incredibly not credible
Posted by Jay Lagat at 8:15 AM 0 comments
Labels: fucked-up society
Thursday, December 21, 2006
On power and responsibility
Posted by Jay Lagat at 12:42 PM 0 comments
Saturday, December 16, 2006
Ang pang-aapi ni Jose at ang ganti ni Juan
Si Jose, habang tinatakot si Juan… “Kita mo tong tattoo ko sa kanang braso? Tigre to!” Napailing si Juan habang di nya pinapansin si Jose.
Makaraan ang isang buwan, nagkaharap na naman si Jose at si Juan.. “Kita mo tong tattoo ko sa kaliwang braso? Agila to!” patuloy na pananakot ni Jose. Medjo naiinis na si Juan pero tuloy pa rin na pinagbibiyan nya si Jose…
Makaraan ang isang linggo, eto na naman si Jose… “Kita mo tong tattoo ko sa dibdib? Anaconda ‘to!” Ako ang astig ditto, walang kung sino mang pwedeng maghari ditto kundi ako!” Tuloy ang patutsada ni Jose.
Nainis si Juan at tinawag ngayon ang mga kabaranggay para labanan si Jose. Dala-dalahan ang mga itak, kris, kutsilyo, tinidor, rake, palako, batuta, ice pick, at kung anu-anong armas at kinumpronta si Jose….
“Ano kamo pinagsasabi mo?” Galit na tinanong ni Juan si Jose. “Tarantado ka a! porket pinagbibgyan ka lang namin sa mga kalokohan mo at umaabuso ka na!” Kasabay ang isang palo sa ulo gamit ang martilyong gawa sa corrugated steel.
Binugbog ng taong bayan si Jose at magdesisyong ilibing na lamang na buhay para hindi na makapagtangkang maging siga ulit…
“Joke lang po yun…” umiiyak si Jose. Nagmamakaawa….
“Hindi na mauulit…” patuloy na pagsusumamo ni Jose…
“Talagang hindi na yan mauulit kahit na magmamakaawa ka pa!” sabay sagot ng ka-alyansa ni Juan.
“Hindi ka nababagay sa lipunang ito!” sagot naman nung isa pang ka-alyansa ni Juan.
“Humanda ka na! Magkikita na kayo ni satanas!!!” sigaw ni Juan habang ang taong bayan ay naghukay ng libingan ni Jose… “Isama mo pa mga alalay mong mga hayop!”
“Ito bang mga ‘to?” Sabay turo sa mga tattoo nya. “Nagmamakaawa ako, pakiusap…”
“Itong sa kanan ko, hindi to tigre…” paliwanag ni Jose… “Kuting lang po ‘to…”
“Itong sa kaliwang braso ko, hindi naman talaga agila to… ipis lang po talaga to.” Umiiyak ng malaks si Jose na nakaluhod at nagsusumamo sa mga tao…
“Itong sa dibdib ko, hindi naman talaga to anaconda… uod lang po to…” Sabay halik sa mga paa ni Juan at nagmamakaawa sa buhay nya… “Joke lang po talaga yun e…”
“Hindi pwede!” tugon no Juan. “Wala kang kwentang tao! Ito na ang katapusan mo!”
Sabay itinulak nag mga tao si jose sa butas at inilibing nang buhay…
Naalala ko ang kwentong ito habang pinapanood ko si JDV sa TV nung Lunes. Napapailing na lang ako at natatawa ako sa kanila.
Hindi nyo kami maloloko! Hindi nyo rin kami makukuha sa mga pagsusumamo nyo, JDV!
Posted by Jay Lagat at 2:07 PM 3 comments
Labels: fucked-up society
Wednesday, December 13, 2006
Sarap sarap ng first!
"Hello?!" Sagot ko... nasa isip ko lang kukumustahin lang nya ako sa naging araw ko. O di kaya'y naisip lang nyang i-check kung ano ginagawa ko... as usual baga..
"Hon, tinawagan ka na?" tanong sa kabilang linya.
"Hindi, kanino?" Sagot ko na may halong pagkamangha. Sino ba naman tatawag sa akin sa mga kakilala nya? Hindi naman tumatawag sa kin mga byenan ko kung wala sya unless emergency. Wala lang ako hinihintay na tawag maliban sa mga katrabaho ko sa Malaysia.
"Nanalo ka daw sa raffle!" Aniya. Pero hindi masyado excited sa pagkakasabi ni Ella. Parang wala lang.
"Huh? Raffle? San raffle?" Naku, ni minsan wala akong naalala na nanalo ako sa raffle maliban sa isang set-up. Yung lahat panalo baga....
Naalala ko yung sa Philips Semicon dati. May raffle daw sa Christmas party. Syempre, excited ako. Tapos electronic raffle pa thru time-in system. Kinagabihan, nabunot pangalan ko. Nanalo ako ng grocery basket. Mga de-lata ng Purefoods ata yun, spaghetti, at keso. Pucha, ang saya ko nun, first time nga.
Anak ng tipaklong na bakla, nalaman ko na lang kinabukasan na lahat pala ng empleyado ay nanalo sa raffle. OA naman ng organizer ng paraffle na yun....
Ilang beses na rin ako tumaya sa lotto. Pero, napanalunan ko lang ay balik-taya. Tatatlong beses pa lang ata nangyari yun...
Pero eto iba. Sino ba naman magbibiro sa asawa ko ng ganun? At isa pa, hindi naman talaga pumapatol si ella sa mga nagtatawag o nagtetext na nanalo kamo kami sa raffle.
"Sa appliance center! Nanalo ka daw ng Sony DVD!" Sagot ni ella.
"Huh?" Ano daw? DVD ba kamo?
O nga pala, bumili pala kami ng appliance nung Oktubre sa tindahan na yun. di ko pa nga pinansin yung raffle stub at sa dinami-dami nang pa-raffle na sinalihan ko lalo sa mga mall e ni minsan ay hindi ako nanalo kahit isang lata ng sardinas man lang na premyo.
"Forward ko sa 'yo text ng appliance center. Punta ka na dun at dalhin mo yung raffle stub at yung resibo para ma-claim mo na." sabay binaba ni ella ang telepono.
Segundo lang pagitan natanggap ko text ni Ella...
"Ma'am, sa appliance center to.nanalo si ardel jay lagat ng sony dvd sa raffle. punta sya dito dla ID at rsibo. thanks!"
Okay! totoo na to! Dali-dali kong hinanap yung resibo at sa tagal na ay hindi ko na matandaan kung saan ko itinabi yun. Nagkalat muna ako sa bahay at voila! nakita ko na ang katumbas ng isang DVD player!
At ang karanasan na yun ay nagsasabi sa kin... "Jay, tumaya ka ulit sa lotto..."
Sarap ng first!
Posted by Jay Lagat at 4:41 PM 3 comments
Saturday, December 09, 2006
For Josh
It's been two years, Josh, and you are just as amazing as you were two years ago. You just simply remind us to take each milestones one step at a time and how to keep a smile while taking it...
We love you, Josh, and we want to take you for the smiles that brought us so much relief. Thank you for just being there... for just simply helping us put things together when life's getting harder.
Thank you for making us realize how good this life is by just calling us "Daddy! Mommy!" and for how much faithfulness you have when you say "Love you daddy! love you mommy!" and for how much you appreciate us when you hug us, and when you say sorry for your naughtiness...
Thank you, Josh. We promise to walk the faith with you.
Posted by Jay Lagat at 12:12 PM 3 comments
Friday, December 08, 2006
A congress of clowns
Posted by Jay Lagat at 7:03 AM 0 comments