"Pre, narining mo na ba ang kantang 'Tatsulok' ni Bamboo?" tanong ko dun sa isang matalik kong kaibigan sa skype...
"Hindi pa, ano yun?" pabalik nyang tanong sa akin...
So pinadala ko na lang yung link ng website ni
Bamboo para nya marinig...
"Hindi ko makita..." balik nya sa king pagkaraan ng ilang minuto... "ano ba nilalaman nun?"
"Makabayan dre yung kanta, narinig ko lang sa magic 89.9 at nakarelate ako agad..." balik ko sa kanya. Natutuwa lang siguro ako dahil magaling ang marketing ni Bamboo sa isang makabayang kanta...
"Naks! makabayan!" kumento nya na may halong pang-aasar. "Makabayan na sa ibang bayan nagtratrabaho... nyahahahahahaha!!!"
Ganyan lang naman kami paminsan-minsan. Asaran sa text or sa skype lalo pag nababato sa harap ng PC. At medjo nakakalamang ko palagi sa pang-aasar... hehehe!
Nagbibiro lang ang pare ko. Pero napaisip din ako dun sa biruan na yun...
Nung isang araw, nabasa ko naman ang isang post ni
Bean na ang pamagat ay "
OFW:Bayaning Taksil." Maiksi lang ang post na yun pero yun ay isang mapait na katotohanan sa aming mga OFW...
So ano nga ba? May halaga ba talaga kaming mga OFW sa bayan...
Nung isang buwan, nalaman ko na kailangan ko naman magbayad ng buwis sa Malaysia. Katakot-takot ang buwis.
"Mr. Jay, if you stay here less than 90 days last year, you will have to pay at least RM11,000.00 but if you stayed more you will only pay less than RM2000.00. Deadline of payments will be on 30April2007." Our company's accountant told me such terrible news...
So nadagdagan na naman ang kataksilan ko sa mahal kong bayan. Wala naman akong naalalang nagbayad ako ng ganyan kalaking halaga nung nagtratrabaho pa ako sa pinas. Yung huling dalawang kumpanyang pinagtratrabahuan ko ay medjo dinaya pa ang sweldo namin para lang makaiwas kami sa malaking buwisan. Nagpapasalamat pa kami sa management namin nun dahil malaking kaluwagan nga naman sa aming mga empleyado ang sistemang yun.
May choice pa ba ako? Wala. Sumunod sa sistema. Ipagpatuloy ang buhay OFW...
Kanina, nabasa ko na naitala ang
pinakamalaking padala mga OFW sa mga kapamilya. Hanggang sa labin-apat na bilyong dolyar ang naipadala ng may siyam na milyong OFW sa taong 2006. Halos katumbas sa kalahati ng taunang budget ng bansa. Ang halagang yun ay katumbas ng pagod, pawis, at pangungulila. Halos linggu-linggo may naririning tayo na may nagagahasang pinay sa ibang bayan. Nagpakamatay dahil hindi nakayanan ang pang-aapi ng mga amo. Nabuwang sa pang-aabuso ng mga amo. Napatay. Pumatay. Nakidnap... para lang maitaguyod ang naiwang pamilya sa pinas...
Nakakalungkot pero ito ay katotohanan...
Tama si Bean at may tama din ang biro ng pare ko. Kataksilang nga siguro yan. Sana man lang nagamit namin ang kakayahang tumulong magpaunlad ng ibang bayan sa sariling bayan...
Ngayon, pagkatapos ng kontrata namin sa ibang bayan... may kasiguruhan ba ang trabaho para sa amin pagbalik sa Pinas?
"Nagtratrabaho sa ibang bayan, dre, para sa bayan. Bagong bayani nga tawag sa amin, di ba? At least this time, I worth the cent..."