This time I worth the cent
"Pre, narining mo na ba ang kantang 'Tatsulok' ni Bamboo?" tanong ko dun sa isang matalik kong kaibigan sa skype...
"Hindi pa, ano yun?" pabalik nyang tanong sa akin...
So pinadala ko na lang yung link ng website ni Bamboo para nya marinig...
"Hindi ko makita..." balik nya sa king pagkaraan ng ilang minuto... "ano ba nilalaman nun?"
"Makabayan dre yung kanta, narinig ko lang sa magic 89.9 at nakarelate ako agad..." balik ko sa kanya. Natutuwa lang siguro ako dahil magaling ang marketing ni Bamboo sa isang makabayang kanta...
"Naks! makabayan!" kumento nya na may halong pang-aasar. "Makabayan na sa ibang bayan nagtratrabaho... nyahahahahahaha!!!"
Ganyan lang naman kami paminsan-minsan. Asaran sa text or sa skype lalo pag nababato sa harap ng PC. At medjo nakakalamang ko palagi sa pang-aasar... hehehe!
Nagbibiro lang ang pare ko. Pero napaisip din ako dun sa biruan na yun...
Nung isang araw, nabasa ko naman ang isang post ni Bean na ang pamagat ay "OFW:Bayaning Taksil." Maiksi lang ang post na yun pero yun ay isang mapait na katotohanan sa aming mga OFW...
So ano nga ba? May halaga ba talaga kaming mga OFW sa bayan...
Nung isang buwan, nalaman ko na kailangan ko naman magbayad ng buwis sa Malaysia. Katakot-takot ang buwis.
"Mr. Jay, if you stay here less than 90 days last year, you will have to pay at least RM11,000.00 but if you stayed more you will only pay less than RM2000.00. Deadline of payments will be on 30April2007." Our company's accountant told me such terrible news...
So nadagdagan na naman ang kataksilan ko sa mahal kong bayan. Wala naman akong naalalang nagbayad ako ng ganyan kalaking halaga nung nagtratrabaho pa ako sa pinas. Yung huling dalawang kumpanyang pinagtratrabahuan ko ay medjo dinaya pa ang sweldo namin para lang makaiwas kami sa malaking buwisan. Nagpapasalamat pa kami sa management namin nun dahil malaking kaluwagan nga naman sa aming mga empleyado ang sistemang yun.
May choice pa ba ako? Wala. Sumunod sa sistema. Ipagpatuloy ang buhay OFW...
Kanina, nabasa ko na naitala ang pinakamalaking padala mga OFW sa mga kapamilya. Hanggang sa labin-apat na bilyong dolyar ang naipadala ng may siyam na milyong OFW sa taong 2006. Halos katumbas sa kalahati ng taunang budget ng bansa. Ang halagang yun ay katumbas ng pagod, pawis, at pangungulila. Halos linggu-linggo may naririning tayo na may nagagahasang pinay sa ibang bayan. Nagpakamatay dahil hindi nakayanan ang pang-aapi ng mga amo. Nabuwang sa pang-aabuso ng mga amo. Napatay. Pumatay. Nakidnap... para lang maitaguyod ang naiwang pamilya sa pinas...
Nakakalungkot pero ito ay katotohanan...
Tama si Bean at may tama din ang biro ng pare ko. Kataksilang nga siguro yan. Sana man lang nagamit namin ang kakayahang tumulong magpaunlad ng ibang bayan sa sariling bayan...
Ngayon, pagkatapos ng kontrata namin sa ibang bayan... may kasiguruhan ba ang trabaho para sa amin pagbalik sa Pinas?
"Nagtratrabaho sa ibang bayan, dre, para sa bayan. Bagong bayani nga tawag sa amin, di ba? At least this time, I worth the cent..."

4 comments:
para sa kin ito ang mga taksil:
1. mga pilipinong hindi sinusunod ang batas para sa ikabubuti/ikauunlad ng pilipinas(batas trapiko, tamang pagtatapon ng basura, ung mga ayaw pumila at ginagamit ang kakilala-system, nangungurakot, ginagamit ang dahilang kahirapan para makapagnakaw o makapangdaya atbp)
2. mga pilipino (sa loob at labas ng bansa) na naghahasik ng kahihiyan at walang pakialam. ni di man lang nila naisip na ang mga kagagawan nila ay nagcocontribute sa paghubog ng "image" ng pinas and in the end ung mga gumagawa ng tama ang apektado.
wala sa pagiging OFWs, pagpapalit ng nationality, o paglisan--nasa pagkatao, disiplina at alab para sa inang bayan. hindi din sa tax.
a filipino can be staying in the philippines, working say, in makati in a company owned by americans or british or japanese. why do they suddenly count for the makabayans?? hindi bat pareho din un...dahil ba ang tax sa pinas napupunta ganun? what about the goals n objectives nung company? or a call center providing service for foreign citizens...are they more makabayan than the OFWs?
para na din nating sinabing mabubuti at walang sala ang mga mahihirap at pag mayaman ka or medyo nakakaangat ay under ka kaagad ng category na mayabang, kurakot etc.
ilan ba sa mga ito ang nagtanim ng puno? nagrecycle? nagcontribute para maayos ang mga paaralan o tumulong para maraming bata ang hindi maging biktima ng child labor, etc etc.
china, korea, japan...madami sa kanila ang nagkalat sa ibang bansa para magtrabaho o mag-aral. the europeans are heavily considering china na nagboboom ang economy. and i think malaki ang naitulong ng mga nangibang bansa sa kanila. kasi habang mas malayo ang nararating maraming nakikita at nauunawaan. you begin to think global. un nga lang we can only hope na dadalhin ang mga kaalamang ito sa sariling bansa. its useless kung hanggang "over cakes n coffee" lang sya. teka nobela ata ito. halos blog entry na. nyahahaha.
pasensya na po. na-excited ako. have a nice day still :)
oo nga! isang blog entry na to! hahaha!!! Salamat dito! At least pag-alis ko next week wala sa isipan ko na nagtataksil ako sa bayan...
heheheh saludo ako kay eyna pwede ng isang blog entry yan pero binigyan ka nya ng espasyo para sa isang makabuluhang komento :) ... hmmn nagpaparinig ka ba? so uwi na ko pinas? lol!
yung tatsulok pala ay original ng BUklod :) lalagay ko ang original sa blog para marinig mo :)
Post a Comment