Saturday, October 28, 2006

Isang masungit. Isang mapagmahal...



"Hello?" Pupungas-pungas pa akong sumagot sa telepono ko mga hating gabi na yun nung sang buwan... Pabalik ako nun sa Pinas kinabukasan at kailangan ko gumising ng alas tres ng madaling araw at may dalawang oras pa ang byahe papuntang airport.

"Hon, san ka? Bat tagal mo sumagot, aber?" Tanong sa kabilang linya...

"Huh?" Ang himbing na ng tulog ko tapos ginising pa ako.."Dito sa kwarto ko natutulog... ano ba naman yan, hon... kailangan ko magising ng maaga..."

Tiningnan ko relo ko at 12:24 na ng hating gabi. Dalawang oras na pala akong nakatulog...

"Weh, asan tv mo? Buksan mo kung anjan ka talaga." Sabi sa kabilang linya na may tamang duda... Nananaginip ba sya na may kasama akong napakagandang chick at kailangan nyang magising ng hating gabi at tawagan ako? May nakain ba yang kakaiba bago matulog at ako ang pinagdediskitahan nung magising sya sumakit ang tyan nya? May nagmumulto ba sa bahay?

Tumayo ako sa pagkahiga ko, dumeretso sa sala at binuksan ang tv...

"Ayan, masaya ka na?" Balik ko sa kanya...

"Weh, baka sa ibang kwarto yan... Ano yang naririning kong babae sa background?" Nang-iinis...

"Kulit mo! Reporter ng CNN yang naririning mo!" Pucha, wala na akong paglalagyan neto... "Bahala ka nga!"

"Hon, sige na... ingat ka bukas ha. ab yu!" Ayun! tapos sabay baba ang telepono nya.

"Hello! Hello!" Wala na ako narinig pa...

Si Ella, misis ko. Buwan buwan ko nararanasan yan. Kung hindi nya gagawin yan, ako mismo tatawag sa kanya bago ako matulog at iparinig sa kanya ang tv ko... at iparamdam sa kanya na naninibago ako... hehehe!

Oo, Nakakabwisit. Inaamin ko din na pikon talaga ako. Alam mo yung mukhang naghahamon palagi ng away na wala namang kadahidahilan... Pag pinatulan ko, tapos na araw ko. Kung hindi ko naman papatulan, tapos na rin araw ko. Wala talaga akong choice kundi patulan ang pang-iinis nya. Sa huli, kahit papaano may napaguusapan din naman kami.

Ganyan lang naman si Ella. Unti unti ko na syang naintindahan. Sa isang banda, naiisip ko nag-aadjust pa lang kami bilang mag-asawa. Tatlong taon pa lang din naman kaming magkasama... Talagang ganyan...

Pero hindi mapapantayan ng pangungulit nya ang pagiging ina nya sa mga anak namin. Hindi din mapapantayan ng pangungulit nya ang saya ko tuwing makikita ko siyang masaya. Hindi mapapantayan ng kakakulitan nya ang tuwa ni Josh tuwing dadating sya sa bahay galing sa trabaho at kung pano ipinapakita ni Josh ang pagmamahal nya sa nanay nya gabi-gabi. Hindi mahihigitan ng mga pangaasar nya sa kin ang pagmamahal na ibinibigay nya sa akin, sa amin.

Happy birthday, hon. Salamat sa pagmamahal... Salamat sa suporta...

Ab yu...

Thursday, October 26, 2006

Deepavali Saturday


I had a chance to celebrate Deepavali in Malaysia last Saturday with my Indian friends. What made me interested most is the way most Malaysians celebrate such festivals. They try to make it simple and just try to enjoy the day.

My chinese colleagues picked me up at my hostel at around 3:15 in the afternoon (i thought I'd be having a bad day, they were supposed to pick me up at 11am) then we went straight to Seellan's place. I thought, like us Filipinos, they'd be having lots of foods, alcohol and all that... so I prepared myself for that day. But..

Seellan offered us some Indian biscuits and beer. Then he prepared us a good 'calderetang kambing', which tasted so good... chicken curry and java rice. That's it and I actually ate with my hands... hahaha!

With Seellan and my chinese friends

I didn't asked but Seellan explained that it's the way they celebrate. They are just happy having their friends come over to their place and mingle. So when Hariraya is celebrated by the Malay muslims, they will also go their muslim friends' house and mingle (even if they are not invited)... and so with the chinese new year and christmas... 'most important is that you have friends...' he told me.

Cool...

At 8pm, I went to another indian's place and celebrate with his family. I was just the only one he expected that night though. Dr. Panchal is a pure Indian by the way. We had some veggie foods and some just been sent by her mom from India, a pepsi gold and some fancy fireworks outside their flat...


Dr. Panchal with his wife and daughter
It was a good day. A good Deepavali Saturday.

Ayan na, Lambino!

Kadarating ko lang nung lunes. Wala masyado ako balita dito. Di na din ako nagtangkang magtanong kay ella kung ano na balita sa pinas. Di na din ako nagtangka manood ng balita at miss na miss ko mga anak ko.

Dalawang araw din na di ko pinansin PC ko...

Nabalitaan ko lang kanina na nagdesisyon na pala ang korte suprema kahapon tungkol sa 'peoples' initiative' kuno na inihain ng Lambino. Sa wakas, kahit papano nagsalita na rin ang korte. Sana matapos na rin ang kahibangang ito.

At kung pinapanindigan talaga nya na walang halong panloloko yung 'peoples' initiative' na sinasabi nya, ewan ko na lang. Pero nagsalita na ang korte suprema...

“An initiative that gathers signatures from the people without first showing to the people the full text of the proposed amendments is most likely a deception, and can operate as a gigantic fraud on the people.”

O ayan na, Lambino. Mukhang nanloko daw kayo.

Hindi nga ba?